Pag-iibigan Ng Kapwa Lalaki

abolish homophobia, andrae david, bakla, bakla 2015, bakla articles, bakla pinoy, bakla po ako, baklapoako.com, bakla essays,coming out, emancipation of lgbt,equality, freedom, free gays, gay news 2015, gay news of the philippines and worldwide, gay news philippines 2014, LGBT philippines, joemar belleza LGBT, lgbt articles, lgbt rights, pinas news gay pinas, philippines gay new, pinoy bakla, lgbt, daragang magayon, ginoong bi-colano 2015, bisexual beauty pageant bicol, bicol region, love of 2 men, same sex relationships, same sex love, love between two men, genderless love, joemz, joemaz belleza, joemar belleza, alex michael boribor, mike boribor

Pag-iibigan Ng Kapwa Lalaki

 

Kanina, pagod na pagod akong magbasa ng d’yaryo tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas—pulitika, iba-ibang klase ng kuropsyon at liderato, kahirapan, at marami pang iba. Nangalay ang mga mata ko sa paulit-ulit na laman ng balita, iba iba lang ang porma pero pareho ang isyu: kabulukan.

 

Kaya naman kanina naisipan kong maghanap ng bago sa Facebook. Baka sakaling makahanap ng magpapaganda ng araw ko. Aksidente kong nakita ang pinagkakaguluhang larawan na kuha mula sa isang patimpalak ng mga silahis o bisexual sa Albay District para sa isang festival. Aaminin ko, nung una kong nakita ang larawan hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko maisalarawan ang naramdaman ko. Pero sa bandang huli, humanga ako sa pagiging subersibo ng kanilang ginawa.

 

abolish homophobia, andrae david, bakla, bakla 2015, bakla articles, bakla pinoy, bakla po ako, baklapoako.com, bakla essays,coming out, emancipation of lgbt,equality, freedom, free gays, gay news 2015, gay news of the philippines and worldwide, gay news philippines 2014, LGBT philippines, joemar belleza LGBT, lgbt articles, lgbt rights, pinas news gay pinas, philippines gay new, pinoy bakla, lgbt, daragang magayon, ginoong bi-colano 2015, bisexual beauty pageant bicol, bicol region, love of 2 men, same sex relationships, same sex love, love between two men, genderless love, joemz, joemaz belleza, joemar belleza, alex michael boribor, mike boribor

 

Humanga ako dahil sa mga sumusunod na rason: 1) inakala ko kasing matapang ako at hindi ikinakahiya ang pagiging bakla pero sa naging reaksyon ko, hindi pala ako ganun katapang; 2) sa mundo kung saan malaya ang panghuhusga, marami sa atin ang gugustuhing ‘wag maging iba o gumawa ng bagay na iba kesa sa nakasanayan… pero hindi sila natakot ipakita ang bagay na iba sa karamihan; 3) naging mali ang pangalawa kong deskripsyon dahil sa larawang iyon… hindi ito iba… parte ito ng katotohanan… totoong may mga lalaking nakikipaghalikan sa kapwa nito, tago man o lantad… ito ay bagay na madalas kalkalin ng karamihan dahil madalas itinatago… ito ay parang Bibliya na inilantad ng isang manggagawang Pinoy sa Middle East upang malayang maipahayag ang “paniniwala” kahit na ang kapalit nito ay isang masakit na kaparusahan sa kamay ng kapwa.

 

Iba iba ang naging reaksyon ng mga tao patungkol dito. May ibang nagsabi na hindi daw ito tamang asal sa publiko; may ibang nagsabi na hindi daw ito kaaya-aya sa paningin lalo na ng mga barako; may mga “ka-uri” ring nagsabi na hinding hindi daw nila ito gagayahin dahil isa itong “eskandalo” sa entablado. Hindi daw stage ang tamang lugar upang gawin ito… Ito daw ay “unnecessary”. Sa pagkakaalam ko, ito ay “candid” na reaksyon ng dalawa at hindi planado. Wala akong nakikitang mali sa lantarang pakikipaghalikan nila. Ito ay matatawag na “self-expression” na totoo kahit kanino. Magiging isyu kaya ito kung babae at lalaki ang naghalikan on stage? Paano naman kaya kung parehong babae ang naghalikan? Malamang sa hindi, mayroon at mayroong masasabi ang karamihan sa atin. Nagpapakita lamang ito na makitid ang pananaw ng karamihan sa nasabing isyu at laganap parin ang homophobia hanggang sa ngayon.

 

Ang undertone sa pagtawag sa nangyari sa patimpalak na eskandalo ay tila pagsasabing nakakahiya ang kanilang ginawa dahil kasalanan ito sa mata ng Diyos at publiko.

 

Ang nakakalungkot sa mga nabasa ko ay ang mga komento ng mga kapwa bakla rin na tila sila pa mismo ang nangungunang manghusga sa dalawa. Talaga bang galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw? Natawa nga ako sa komento ng isang nagsabi ng mga maka-Diyos na verses dahil hindi ito saliw sa gawain nito. Sabi nga ni Pope Francis at ng isang Imam: “Who am I to judge?” Lubos akong humahanga sa dalawa dahil hindi sila pumailalim sa pagiging hipokrito at kinaya nilang harapin ang kritisismo na parang ngumunguya ng baga habang nakalublob sa kumunoy. Sabi nga ng paborito kong sikolohistang si Dr. Margarita Holmes sa isa sa kanyang mga libro: “Let’s do away with labeling… Love knows no gender.”

 

Dapat matuto tayong rumespeto sa iba-ibang klase ng pagmamahalan maging ito man ay sa pagitan ng babae at lalaki o sa pagitan ng parehong babae at lalaki.
At sino ba naman tayo para magsabi na ikagagalit ito ng Diyos dahil ito ay mali? Kahit nga sa mismong turo ng ating mga relihiyon ay wala tayong kasiguraduhan… God’s wisdom is unfathomable, and that’s a universal truth. Hindi natin alam ang plano ng Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay sa ating paligid. We don’t know anything about our journey…

 

Siguro kailangan nating muling bisitahin ang mga magandang naituro noong tayo’y bata pa. Kung saan hindi natin hinuhusgahan ang mga tao o bagay base sa itsura, kulay, sekswalidad, atbp. Madalas kasi, kapag mataas na ang ating nararating, napapatungan na yung mga basic traits na dapat hindi nawawala sa ating pagkatao. Hindi naman kasi talaga katawan ang umiibig kundi ang ating mga kaluluwa. Naalala niyo pa ang sinabi ng lobo sa “The Little Prince”? Ito yun, oh: “It is only with the heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the eye.”

 

Read also: The boy who loves a boy.

Pag-iibigan Ng Kapwa Lalaki

Latest posts by Mike Boribor (see all)