Kasal, Kasali, Kasalo.

baklapoako.com

Pumunta kame ng pinsan kong si Tanya sa Pangasinan para saksihan ang pakikipag-isang dibdib ng aming pinsan. Buti pa ang pinsan ko nabunot na sa pa-raffle. Tatanda na talaga akong virgin. Sayang naman ang ipinagkaloob na alindog sakin. Wala man lang makakatikim. Hahaha! Chos!

 

baklapoako.com
Ang kamukha ko: Kevin Balot.

 

Bongga ang sayawan nung gabi bago ang kasal. At talagang lahat ng uri ng hipon ay nag-tipon tipon sa piging pati na iyong mga mashesherep na mga binata. Hahaha! Pilit nila akong hinihila sa mga talahiban upang lapastanganin. Buti nalng nanlaban ako. Nanlaban talaga ang word?! Hahahaha!

 

baklapoako.com
Hi Mon o HiPon? Char!

 

Lumipas ang mga sandali habang lumalalim ang gabi at habang nakikipg-inuman ako sa bet n bet kong binatang may mainit at maalab akong nkaraan. Sabi nya “punta ka din sa kasal ko ha. Sa Abril yun.” WAT.DA.PAK.SHET. Jessa Zaragoza pasok! “Ikakashal ka nwahhh.. Hihiwan na akwong nag-hihishahhh.” Hahaha!

 

baklapoako.com

 

Parang gusto ko umiyak at mag-lupasay sa harap nya at sabihing “ako na lang.. ako nalang ulet.” Pero dahil may urbanidad ako hindi ko yun ginawa. Urbanidad talaga is da word?! Hahaha! Sabi ko nalang “congrats! Sige tignan ko kung makakapunta ako.” At pupunta talaga ako! Magsusuot ako ng puta red gown at sisigaw ako sa simbahan ng “itigil ang kasal!!! May nangyari samen at siya ang ama ng nasa sinapupunan ko!” Hahahaha! Chos!

 

baklapoako.com

 

Nung tumagal na ang inuman hindi ko na sya namataan at lumipas pa ulit ang 48 million years nakita ko sya sa isang madilim n sulok. Hmmm. Alam na! Kris Aquino pasooookkk! “Kapamilya, game ka na baaa?”

 

baklapoako.com
Game knb????!!!

 

Sabi nya with matching pungay ng mata “sumayaw ka ba?” Aba! Naghahamon! Maroon 5, pasok!! “Take me by the tongue & I’ll know you. Kiss me ’til you’re drunk & I’ll show you all the moves like jagger, I’ve got the moves like jagger. I’ve got the moves like jagger.” Hahaha! Sabi ko “hindi pa. Tara sayaw tayo.” Umiling sya. Nasa likod pala nya yung fiancé nya.

 

baklapoako.com

 

Nginitian ko na lang sya ng pag-katamis tamis habang nag-lalakad palayo at kinakanta ang “doncha wish your girlfriend was hot like me? Doncha wish your girlfriend was a freak like me? Donchaaaa??!!!!” Hahahaha!

 

Follow me

Flowers De Vera

Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.
Flowers De Vera
Follow me

Latest posts by Flowers De Vera (see all)

About Flowers De Vera 7 Articles
Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.