Iba’t ibang uri ng jeepney passengers sa mata ng beki.

Sa tagal kong sumasakay ng jeep, naisip ko na merong iba’t ibang uri ng pasahero.

 
The shampoo commercial model: Sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Ang sarap patuluan ng kandila sa anit.

 

baklapoako.com

 
The borlogs: Sila ang mga pasaherong mahilig matulog, Akala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang folding bed ang katabi nila. Kung makasandal akala mo may relasyon kayo. Sige pa rin sa pagtulog. Mabilis ang karma nila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila.

 

baklapoako.com

 
The Uchiha Clan: Sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text message ng katabi nla. Iyong tipong hindi sila mapapalagay hangga’t hindi nila nabasa ang nilalaman ng text mo.

 

baklapoako.com

 
The VIP: Sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung makaupo sakop ang pangdalawang tao. Upong senyora kumbaga at ang tingin sa mga katbi ay mga aliping namamahay.

 

bbaklapoako.com

 
The Kris Aquino & friends: Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit, kesyo masikip.. eh bakit hindi kasi mag-taxi, mga bayawak!

 

baklapoako.com

 

The Bottom line with Boy Abunda: Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga dinig ng lahat ng pasareho. Ang sarap pakainin ng siling labuyo habang sinasampal sa gilagid.

 

baklapoako.com, joemar belleza, bakla, bakla po ako

 
The CD-R King: Sila yung mga pasaherong naglalabas ng mga gadgets para lang ipagmayabang. Yung kunyari nag-tetext mailabas lang ung cellphone. Sila yung mga napapaiyak bandang huli o minsan nasasaksak dahil sila ang madalas manakawan.

 

baklapoako.com, bakla, gay news philippines

 
The Dead Madela: Sila yung mga pasaherong ayaw mag-abot ng bayad. Kunyari may kukunin sa bag. Ayaw lang talagang i-abot ang bayad mo. Sila yung masarap balatan ng buhay habang sinasabuyan ng asin.

 


The invincible: Sila yung mga pasaherong hindi nagbabayad. Nakasulat na nga na GOD KNOWS JUDAS NOT PAY, ‘di pa din naaapektuhan. Parte na ng paglaki para sa kanila kumbaga.

 


The PBB Teens: Sila yung mga pasaherong makapaglandian sa loob akala mo sila lang ang pasahero. Ang motto nila “love is blind” kaya hindi nila nakikita na may iba silang kasama. hahaha! 😉

 

Flowers De Vera
Follow me

Flowers De Vera

Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.
Flowers De Vera
Follow me

Latest posts by Flowers De Vera (see all)

About Flowers De Vera 7 Articles
Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.