
Ang Sigaw Ng Piping Kaluluwa
Nakita ko sya.
Ang kanyang itsura wari’y nasalanta.
Ng isang unos na wala sa labas.
Kung ‘di sa kanyang pusong nagpupumiglas.
Nakita sya.
Ang kaluluwang walang mukha.
Ang tanging ilaw ay sa matang madilim.
Na humuhuni ng mabagsik na kulimlim.
Nakita ko sya.
Ang kaluluwang ginapos ng tadhana.
Kumakawala sa rehas ng mapangutyang hinagpis.
Sya ang sugat sa sentrong dinaplis.
Nakita ko. Walang marinig.
Ang mga sigaw sa kanyang bibig.
Pakinggan at tulungan mo sya.
Ang sigaw ng piping kaluluwa.
Pakinggan mo sya.
Ang Sigaw Ng Piping Kaluluwa
Latest posts by Joemar Belleza (see all)
More from my site