A Gay Man’s Open Letter To Pres. Duterte

baklapoako.com, joemar belleza, andrae david, baklapoako.com, joemar belleza, andrae david. hiv awareness, gay news of the philippines and worldwide, gay news 2016, philippines gay news, news gay pinas, equality shirts by equali-t, equaliteeph 2016, gay shirts in the philippines. tshirt LGBT philippines, lgbt shirts pinas, equaliteeph, LGBT shirts of the philippines, lgbt bloggger philippines, lgbt blogger asia, best gay blogger philippines, best gay blogger asia, best lgbt blogger philippines, best lgbt blogger asia, top gay blogger philippines, top blog philippines lgbt, top blogs philippines gay, top blog philippines hiv awareness, hiv awareness philippines, wholesome gay blog philippine, wholesome gay blog asia, erick franco habijan, duterte calls us ambassador gay, bakla in the philippines, homophobia in the philippines

A Gay Man’s Open Letter To Pres. Duterte

 

In a shocking but hardly uncharacteristic spat of insults, Filipino President Rodrigo Duterte called U.S. ambassador to the Philippines Philip Goldberg a gay “son of a whore.” While the blow has fueled transnational ire, it is not without precedent.

 

“As you know, I’m fighting with [U.S. Secretary of State John Kerry’s] ambassador,” the new leader explained in televised remarks on Friday. “His gay ambassador, the son of a whore. He pissed me off.”

 

Duterte claimed that the outgoing American envoy “meddled” in the Philippines’ recent elections by “giving statements here and there,” thus earning him the title of a prostitute’s homosexual son ― a description similar to one Duterte already extended to Pope Francis last year.

 

Read more here.

 

Here’s the video.

 

On the other hand, such insult was not taken lightly by some, especially the gay community, who took such statement as derogatory not just for the ambassador but also for the use of the word “gay” or “bakla.”

 

One netizen, Erick Franco Habijan, whom we featured on our FB page before during the elections with his tagline “Bata at may talino, Bago at handing matuto, Bakla at totoo,” wrote an open letter to Pres. Duterte regarding the issue.

 

Here’s what he has to say:

 

Dear President Digong,

 

Ako po si Erick Habijan., 29, taga-Marikina. Kagabi, minura ko po kayo sa post ko – murang may masidhing damdamin, may tagos sa puso. Dahil po ito sa paggamit ninyo ng salitang “bakla” para ilarawan si US Ambassador Phillip Goldberg, sa harap ng mga militar sa Cebu.

 

At ngayon, ang dami pong tumutuligsa sa akin at lahat sila, avid at die-hard supporters niyo. Sinisita po nila ako dahil minura ko po kayo. Hinuhusgahan po nila ako dahil binastos ko raw po kayo. Nilalait po nila ako dahil balat-sibuyas daw po ako.

 

By the way, bakla nga po pala ako. Sa katunayan, nung tumakbo po ako dito sa Marikina, ginamit ko po sa poster ko yung salitang “bakla” – Bata at may talino, Bago at handing matuto, Bakla at totoo. Ipinagmalaki ko po ang aking pagiging bakla dahil naniniwala akong lakas ko po ito. Hindi po ito kahinaan. Naging magaling po ako – mabuting anak, mahusay na pag-aaral, magtrabaho nang maayos, mabuting kaibigan – dahil bakla po ako. Nagkakamali rin po paminsan-minsan sa mga desisyon sa buhay pero sinisikap ko pong maging mabuting tao.

 

Kaya po sobrang apektado ako. Kasi yung salitang “bakla”, may dangal po para sa akin. May mabigat na kahulugan po para sa akin. Pagkatao at dignidad ko po ito. Kaya po ang damdamin ko, labis na nagpumiglas at napamura sa mali niyong paggamit ng salita. Pareho po tayo, kapag may masidhing emosyon – natutuwa, natatawa, nagagalit, naiinsulto, napipikon at nasasaktan – napapamura.

 

Pero bakit po ganun? Kapag kayo ang nagmura, nakakatawa at nakakatuwa. Pag minura niyo ang isang tao, matapang kayo. Kapag minura niyo at tinuligsa niyo ang isang sistema, may paninindigan kayo. Okay lang na magmura kayo kasi nagpapakatotoo kayo!

 

Bakit noong minura ko kayo, sa mata nila, nakakabwisit at nakakagalit ako? Bakit noong minura ko kayo, low-class citizen na ako? Bakit noong minura ko kayo, hindi na ako edukado at sayang ang pag-aaral ko? Bakit noong minura ko kayo, larawan daw ito ng totoo kong pagkatao – pero hindi tulad niyo, pangit at walang modo?

 

Hindi ba ako nagpakita ng paninindigan na nang dahil nakita kong mali ang paggamit ninyo sa salitang “bakla”, lalabanan ko kayo? Hindi ba ako nagpakita ng tapang na handa ko kayong tuligsain kapag sa tingin ko ay may mali kayo?

 

Sabi pa nga ng iba ninyong supporters sa akin, wala raw akong karapatang murahin kayo. Kayo po may karapatang magmura, kasi may napatunayan na. Parang nakakainsulto lang po sa pagsusumikap ko na maging magaling at mabuting tao.

 

Nakakalungkot pong tingnan ang katotohanang sa mata ng mga die-hard at avid-supporters niyo, hindi kayo magkakamali. Lagi kayong tama. At gagawin nilang tama kahit mali. Hindi na po ba kayo puwedeng magkamali? Hindi na po ba kayo puwedeng tuligsain? Hindi na po ba puwedeng i-call out ang inyong attention tulad ng ginagawa ninyo ngayon?

 

Sa inyo ko po natutunan ang diwa ng mga salitang “tapang” at “malasakit”. Maging matapang na harapin ang mali dahil may malasakit sa tao at sa bayan. At yun po ang nagustuhan ko sa inyo kaya ko po kayo binoto. Ito ang nagtulak sa akin para murahin kayo ng may sidhi at damdamin. Naglakas-loob akong tuligsain kayo dahil nagmamalasakit ako sa mga taong may pagkataong inilalarawan ng salitang bakla.

 

Kaya po para sa akin, bilang isang Pilipinong patuloy na humahanga at sumusuporta sa inyo, bilang isang Pilipinong avid supporter niyo rin, mananatili akong objective. Papalakpakan at hahangaan ko po kayo sa mga bagay na sa tingin ko ay tama at ginagawa ninyo ng may galling. Subalit tutuligsain ko kayo sa mga bagay na sa tingin ko ay mali.Kasi yun ang dapat. Yun ang depinisyon ko ng “tapang” at ‘malasakit”.

 

Ipagpapatuloy ko rin po ang aking lakbayin tungo sa pagiging isang mabuti kong tao – sa isip, sa salita, at sa gawa. Dahil supporter niyo po ako… Hindi die-hard, pero avid… Higit sa lahat, objective.

 

Nagmamahal,
Erick Franco Habijan

 

P.S. Sana po maiparating ng mga kaibigan ko ang open letter na ito. Kahit po yung post ko na minura ko kayo. Tagging MonJoblackPebblesKarl.

 

Ako nga rin po pala yung writer ng episode niyo sa Gandang Gabi Vice. Nagkausap na po tayo; nagkabiruan at naaliw din po kayo sa akin. Napasayaw ko pa nga po kayo ng “Nae Nae” at “Twerk It Like Miley”. Sana po ay makapag-usap ulit tayo soon. Kahit over coffee. Cheers!

 

‪#‎DearDigong‬‪ #‎AngSaAkinLang‬‪ #‎IsangLihamNgPagkataoAtPaninindigan‬

 

Erick Franco Habijan

Original post here.

 

I personally believe that it is about time that we unlearn the way we use the word “bakla” and learn how to use it as a word that affirms a human being capable of doing great things. A word that is used with pride and honor. And not the otherwise. After all, we no longer live in a generation where the etymology of the word “bakla” is weak. I hope Pres. Duterte can ponder on this.

 

A Gay Man’s Open Letter To Pres. Duterte

Joemar Belleza
Follow me

Joemar Belleza

Blogger-In-Chief at Bakla Po Ako, Confirmed!
Joemar is the Blogger-In-Chief of BaklaPoAko.Com. He is currently a graduate student in University of the Philippines Open University. He also studied at Maquillage Professionnel School of Makeup Artistry and School of Fashion and the Arts (SoFA). He is a bold advocate of education, environment and LGBT issues. An earner, dreamer and a lover. Before he was once a dream-sprouting seed. Now he's a tree in his renaissance and will always be evergreen. Hear him speak with his intelligent guide for gay news of the Philippines and worldwide, Bakla Po Ako. Confirmed!.Follow him on Twitter @belleza_joemar. Gay it forward!
Joemar Belleza
Follow me

; dynamic_sidebar('posts-2'); ?>
About Joemar Belleza 315 Articles
Joemar is the Blogger-In-Chief of BaklaPoAko.Com. He is currently a graduate student in University of the Philippines Open University. He also studied at Maquillage Professionnel School of Makeup Artistry and School of Fashion and the Arts (SoFA). He is a bold advocate of education, environment and LGBT issues. An earner, dreamer and a lover. Before he was once a dream-sprouting seed. Now he's a tree in his renaissance and will always be evergreen. Hear him speak with his intelligent guide for gay news of the Philippines and worldwide, Bakla Po Ako. Confirmed!. Follow him on Twitter @belleza_joemar. Gay it forward!

Be the first to comment

Leave a Reply