7 uso ngayong bagyong Mario

mario ph, bagyong mario

7 uso ngayong bagyong Mario

 

Malalaman mong nasa Pilipinas ka pag yung tipong umulan ng 20 minuto na tuloy-tuloy tapos paglabas mo ng bahay nyo, maghahanap ka na agad ng salbabida mo. Maiisip mo nalang na “ahhh nasa Pilipinas nga pala ako”. Tama ka .Hindi ka kasi nakatira sa isang bansa na may maayos na drainage system. Hindi ka kasi nakatira sa bansang may disiplina ang mga tao sa pagtapon ng basura. Nakatira ka sa bansang lulubog-lilitaw. Lulubog sa baha tapos maglilitawan yung mga napkin, patay na daga, patay na kuko,  bote, diyaryo, garapata, pustiso, diaper ng baby ,laruan, etc, etc. Pero what to do? Matagal na ‘tong problema ng buong Metro Manila na hindi mabigyan-bigyan ng solusyon. Infact, nakasanayan na nga natin eh. Nasa sistema na kumbaga. Kaya instead na mapikon tayo sa baha, alamin nalang natin yung mga uso at trending ngayong panahon ng tag-ulan.

 

 

mario ph, bagyong mario
(AP Photo/Bullit Marquez)

 

 

 

7 uso ngayong bagyong Mario

 

 

1. Girls ilabas na yung mga tinatago-tago ninyong pekpek shorts dahil ito na ang tamang panahon para i-rampa yan. Hindi kasi magandang tingnan kung halimbawang taga-Malabon ka tapos may gana ka pang mag-suot ng mini skirt sa kasagsagan ng baha. Baka kung anu pang mag hello diyan ate at uminit pa bigla ang ulo namin.

 

2. Bukod sa condom, magiging mabenta din ang flashlight, corned beef, tuyo, champorado, sopas at mga fast food chains.

 

3. Habang nag-wewet ang buong bansa, nagkakaroon naman ng matinding global warming sa ilalim ng brip ng mga kalalakihan. Parating bed weather. So kung Mayo o Hunyo ang buwan ng kapanganakan mo, bale nabuo ka habang nililipad yung bubong ng bahay nyo.

 

4. Mabubuhay nanaman ang mga bulate sa bituka ng mga holdaper. Dahil pag baha, madali ka nilang nakawan. Bakit? Sa mga ganyang pagkakataon, walang sira-ulong nilalang na mag-aala Aquaman para habulin at tulungan ka.

 

5. Magkakadawalaan ang mga takip ng imburnal kaya humanda kayo dahil magiging malaking palaruan ng “step no-step yes” ang buong kamaynilaan pag bumabaha. Tipong kasunod mo lang sa linya ang jowa mo tapos biglang mawawala. Kala mo kinuha na ng alien.Yun pala nahulog na sa imburnal.

 

6. Tsupi muna ang mga jeep at taxi. Dahil ang mga padyak boys ang maghahari sa mga kalsada at eskinita ngayong panahon ng baha. Para silang Diyos.

 

7. Asahan mo, uulanin yang news feed mo sa FB ng mga pictures ng payong na sira, jacket na butas ang kili-kili, nanginginig na utong, giniginaw na pusa, kape ng Starbucks at yung mga nilalang na walang pakundangan kung makapag-emo ng status tuwing malamig ang panahon. Impakta ka tigilan mo yan kung ayaw mong ipa-higop namin sau yung lahat ng tubig baha!

 

Hahahaha! Keep Safe po.

 

In times like these, employees especially call center workers need LV. yes, LV. Not Louis Vuitton but Vacation Leave (VL). Get your glitterized Vacation Leave Shirt from Equali-T.

 

baklapoako.com, joemar belleza, andrae david, baklapoako.com, joemar belleza, anrae david. hiv awareness, gay news of the philippines and worldwide, gay news 2014, philippines gay news, news gay pinas, uganda lgbt, equality shirts by equali-t, equaliteeph 2014, gay shirts in the philippines. tshirt LGBT philippines, lgbt shirts pinas, disney, disney gay characters, disney princess, disney prince, disney gay, equaliteeph, equalitee disney shirts, LGBT shirts of the philippines, mario ph, bagyong mario, vaction leave shirt, louie vuitton

 

Want to promote equality through your shirt? Then get these equality-themed shirt from Equali-T, the Philippine’s trendsetter LGBT shirts. For LGBT by LGBT.

 

FB page: Equali-T, Twitter and IG: @equaliteeph

 

7 uso ngayong bagyong Mario

Flowers De Vera
Follow me

Flowers De Vera

Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.
Flowers De Vera
Follow me

Latest posts by Flowers De Vera (see all)

About Flowers De Vera 7 Articles
Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.