10 Universal Code Ng Taong Certified Drawing

taong drawing, signs ng taong drawing, pano mo malalaman kung ang isang tao ay drawing, papunta na ako jan, sinungaling na friend, baklapoako.com, bakla po ako confirmed, joemz belleza, joemar belleza tiu, flowers de vera

10 Universal Code Ng Taong Certified Drawing

 

Today ay ating pag-aralan ang mga universal code ng mga taong certified drawing.

 

 

#1 “Di ako sure eh…”

Pero bago niya sabihin yan, itatanong muna niya isa-isa kung sinong mga kasama tapos biglang sasabihin niya “Eh? Wala pala akong lalandiin dun. Katamad.”

 

#2 “Sige, text-text na lang.”

Lakas ng loob magsabi ng text-text lang pero kapag oras na, hindi na nag-rereply tapos hindi na din sinasagot ang tawag. Kinabukasan, magtetext na lang, “Friend! Musta yung lakad niyo kahapon? ” Leche ka sa earth 5times.

 

 

#3 “Biglaan kasi, sorry.”

Pero kapag nagtext yung jowa niya ng, “Babe. Punta ka dito house kaaalis lang nina mama. Dala ka food.”, hahamakin ang lahat sa ngalan ng kalibugan at intense na laplapan. Pakyu to the moon and back.

 

 

#4 “Try ko humabol ha?”

Wow. Wagas makapaghabol sa pangit niyang ex pero pagdating sa galaan, i-ttry humabol. Eto patatas, kausapin mo with feelings.

 

 

#5 “Try ko magleave sa work.”

Oo at hindi lang naman ang isasagot, paaasahin pa. Tipong future niya versus friendship niyo. Nangonsensya pa tapos drowing din naman.

 

 

#6 “Wala akong pera.”

Tapos kapag sinabing, “Okay lang, libre ko” Biglang, “Wat taym? Miss ko na kasi kayo sobra.” Sarap pektusan sa large intestine.

 

 

#7 “On the way na ako.”

Tipong, pupunta nga sa tagpuan pero sobrang late naman. Tapos sasabihin, “Atleast, nagpunta kahit late di ba?” Utang na loob ko pa ganun? At kasalanan pa naming lahat kung bakit kami maaga?

 

 

#8 “I’ll try my best.”

Tapos kapag sinabi mong. “Maraming pogi dun.” Bigla na lang siyang magttxt ng, “Nag-aabang na ako ng taxi, wait lang. Ay puta!! tinatakbo ko naaa!!”

 

 

#9 “Papaalam muna ako sa bahay.”

Okay goodluck ha. Sana payagan ka ng bahay niyo.

 

 

#10 “Lapit na ako.”

Pa-Almost there. Yung nakailang txt ka na kung nasaan na siya pero ang palaging reply “Lapit na ‘ko.” Kulang na lang replyan mo ng, “Sige pa, ooohhh, lapit na ba? aahhh mmmhh aaahh!” Tapos bigla na lang nagkaroon ng emergency sa bahay dahil naputol daw yung loomband bracelet ng lola niya. Tengenemuu 3times with feelings.

 

May mga kilala ba kayo na ganito? LOL

 

 

10 Universal Code Ng Taong Certified Drawing

Follow me

Flowers De Vera

Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.
Flowers De Vera
Follow me

Latest posts by Flowers De Vera (see all)

About Flowers De Vera 7 Articles
Ako si Flower Ganda. Saksakan ng ganda, may busilak na kalooban, mapagmahal na nilalang at saksakan ulit ng ganda. Babae po ako sa isip, sa salita at sa gawa. Pero sa kasamaang palad “male” ang nakasulat sa birth certificate ko at yan din ang tingin ng mga magulang ko sa akin.